Napag-alaman namin na kumakalat online ang mga nagpapanggap na mga empleyado ng Budget Finance Corporation at nag-aalok ng personal loan nang may hiniginging paunang bayad. Kinukuha ng mga manlolokong ito o “scammer” ang mga larawan at personal na detalye ng aming mga empleyado sa Facebook upang gumuwa ng kanilang sariling mga Facebook o Telegram account para imessage ang aming mga kliyente o bitkima, lalo na ang mga OFWs na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang ganitong uri ng modus ay tinatawag na "advance-fee" scam.
Nais naming ipaalam sa lahat ng aspiring OFWs na ang Budget Finance Corporation ay HINDI kailanman hihingi o humihinge sa mga aplikante ng kahit na magkanong halaga ng pera tulad ng "credit assessment fees o service fees" para sa pagproseso ng inyong paghiram ng pera sa aming kompanya. Ang processing fee ay maaring ibawas sa kabuohang perang hiniram ng isang aplikante kapag aprobado na ang kanyang aplikasyon.
Para sa lehitimong Facebook Page ng Budget Finance Corporation, narito lamang ang link: https://www.facebook.com/BudgetFinanceCorporation.
Pinapayuhan namin ang publiko na mag-ingat sa mga makikitang pekeng Facebook & Telegram accounts, page, at group chats na nasa ibaba dahil sila ay HINDI kailanman nauugnay sa aming kumpanya. Huwag pansinin ang mga chat o personal na mensahe mula sa mga account na ito.
Kung kayo man ay namessage na nito, paki- block agad at i-report sa aming Customer Service Team sa 0917-146-2593 o mag-email customer.service@budgetfinance.ph.






